- Next »
- « Previous
KATESISMO NG KILUSANG TALSIK-GLORIA
Katesismo ng Kilusang Talsik Gloria
(Catechism on the Oust Gloria Movement)
Bilyun-bilyong beses mo na sigurong narinig ang mga nakabibinging sigaw ng mga raliyista sa lansangan gaya ng “Pahirap sa masa, patalsikin si Gloria!”; “Tama na, sobra na, patalsikin na si Gloria!”; “Pekeng pangulo, Gloria Arroyo: patalsikin, arestuhin, pagbayarin!”; “Di na kami makapagtiis, Gloria alis!” at marami pang iba. Iba’t ibang grupo, iba’t ibang salita ngunit iisa lamang ang diwa: “Patalsikin si Gloria!.” Gayunman, malamang na isa ka sa milyun-milyong Pilipinong maka-Gloria pa rin o kaya’y anti-Gloria man ay ayaw namang kumilos dahil natatakot sa maaaring maging resulta ng pagpapatalsik kay Gloria (takot ka kay Noli de Castro o takot kang lumakas ang mga maka-Kaliwa na pinakaaktibo sa lahat ng grupong anti-Gloria).
Nalulungkot ako para sa iyo at para sa bayan dahil sa aking palagay, kailangan na talagang patalsikin si Gloria, no ifs and no buts. Sa layuning mabago ang palagay mo at mapilitan kang kumilos kasama namin para patalsikin si Gloria ay nagsayang ako ng oras para isulat ang artikulong ito. “Katesismo...” ang pamagat nito: ibig sabihin “Mga Tanong at Mga Sagot.” Sinadya kong gawin ito upang maging mas simple ang pagtalakay sa isyu at masagot ang karaniwang itinatanong ng mga kagaya mo. Bukod sa mga pangkaraniwang estupidong tanong ay sinasagot din nito ang mga pangunahing estupidong argumento ng mga maka-Gloria.
Ang “Kilusang Talsik Gloria” o “Oust Gloria Movement” ay tumutukoy sa lahat ng mga mamamayang nagkakaisa sa pagkilos para patalsikin si Gloria. Hindi ito isang organisasyon kundi isa lamang termino na gagamitin ko para tukuyin ang lahat-lahat ng pwersa, grupo at indibidwal na di lamang kontra-Gloria kundi kumikilos din para patalsikin si Gloria. Ginamit ko ang terminong ito at ang acronym na KTG/OGM for convenience’s sake lamang. Kilala mo na siguro si Gloria (Gloria Macapagal-Arroyo, pekeng pangulong kasalukuyang namumuno sa Republika ng Pilipinas sa mga di nakakaalam).
Kung hirap ka sa Filipino ko na may halong Ingles din naman, may English version ito (gusto ko kasing maintindihan ito ng mayorya ng mga Pilipino).
A) Anong unang dahilan bakit DAPAT patalsikin si Gloria?
PEKENG pagulo kasi siya.
B) Bakit PEKENG pangulo siya?
Hindi naman kasi siya talaga nanalo sa eleksyon noong May 11, 2004. NANDAYA lang siya para manalo.
C) Anong ebidensya na nandaya si Gloria?
Marami: merong BAGO ang eleksyon, sa panahon ng kampanya, sa mismong eleksyon, at sa panahon ng bilangan.
D) Bago ang eleksyon, namudmod siya ng Philhealth cards na may mukha at pangalan niya. Ginamit din niya ang road users’ tax sa pagpapagawa ng mga higanteng billboard na may mukha at pangalan niya. Electioneering ang tawag dun: nangangampanya na kahit di pa panahon ng kampanya. Iligal ‘yun! Mas nakakaasar, pera ng bayan ang ginamit niya. Namigay rin siya ng P700 milyong pondo para raw sa pataba o fertilizer. Sa halip na mga magsasaka ay mga gobernador, kongresista at mga kooperatibang di umiiral o nag-eexist ang binigyan n’ya ng pera. Mas masaklap, may mga kongresista sa Metro Manila na binigyan din ng pera gayong wala namang bukid doon! Sinuhulan ni Gloria ang mga lokal na opisyal para utusan ng mga ito ang kanilang mga utu-utong kababayan na iboto si Gloria at malaon, para siguraduhing mabilis ang proklamasyon ng Kongreso sa kanyang “pagkapanalo.”
E) Sa panahon ng kampanya, siniraan ng mga abogado ni Gloria si Fernando Poe, Jr. (FPJ). Pinagpipilitan ng mga maka-Gloria na Kano raw si FPJ! Kinasuhan nila si FPJ pero buti na lang at sa bandang huli, kinumpirma ng Korte Suprema na Pilipino si FPJ. Nang makalusot si FPJ sa isyu ng pagkamamamayan o citizenship, siniraan pa rin ng mga maka-Gloria si FPJ: di raw ito edukado kaya di dapat iboto. Kahit papano, nakapagpahina nang kaunti sa kandidatura ni FPJ ang walang habas at walang batayang paninira ng mga maka-Gloria: maraming nasa panggitnang uri (middle class: di mayaman pero di rin dukha) ang napaniwalang mas mainam na ang doktorang si Gloria kaysa sa di edukadong si FPJ. Mismong si dating DSWD Sec. Dinky Soliman ay nagsabing sinigurado nila ang pagkapanalo ni Gloria para “iligtas” ang bayan sa isang walang pinag-aralan.
F) Sa panahon ng eleksyon, namigay ng bigas, pera atbp. ang mga maka-Gloriang lokal na opisyal kalakip ang mga sample ballot na may pangalan ni Gloria. Vote-buying ang tawag dito. Sa mga lugar na maka-FPJ (gaya ng Metro Manila), sinadya ng COMELEC na guluhin ang listahan ng botante para tamarin na sa paghahanap ng presinto ang mga botante. Sa ibang bayan sa Mindanao, walang naganap na eleksyon: sa halip, ginamit ang militar para utusan ang ilang taumbayan na lagyan ng pangalan ni Gloria at kanyang mga kandidato ang mga balota.
G) Sa panahon ng bilangan, may mga bayan, lalo na sa Mindanao na sumobra pa ang bilang ng bumoto kaysa sa bilang ng rehistradong botante! Sa mga lugar na iyon, nanalo si Gloria at talo si FPJ. Sa bayang tinubuan ni FPJ sa Pangasinan, 0 ang boto niya, kahit na ang maraming mamamayang nainterbyu ng media ay nagsasabing si FPJ ang binoto nila. Sa ibang lugar, hindi ibinigay ng COMELEC sa oposisyon ang kopya ng mga election return na magagamit sana sa pagkukumpara o pagberipika sa mga boto.
Nang makarating na sa Kongreso ang mga balota, may mga balotang nawala ang laman at lumitaw lamang pagkalipas ng ilang araw! Mayroon ding mga certificate of canvass (resulta ng bilangan sa mga probinsya) na di katugma ng mga resulta na nasa election returns (resulta ng bilangan sa mga presinto at munisipalidad). Sa mga ganitong lugar, si Gloria ang nanalo. Binilang din ang mga boto mula sa mga certificate of canvass na bura-bura at may liquid paper (na bawal).
Pinakamalaking ebidensya ng pandaraya sa panahon ng bilangan: tumawag si Gloria kay dating COMELEC Commissioner Virgilio Garcillano para sigurading di bababa sa 1 milyon ang lamang niya kay FPJ. Sinabi ni Garci na pipilitin niya na maging ganoon nga.
H) Pagkatapos ng bilangan, kahit naiproklama na ng Kongreso sa kalagitnaan ng gabing tulog ang sambayanan ay di tumigil sa pandaraya si Gloria. Bigla na lamang nawala ang ilang balota sa Kongreso na ang resulta ng bilang ay kinukwestyon ng kampo ni FPJ. Nang imbestigahan na ang pagtawag ni Gloria kay Garci, bigla na lang nawala si Garci. Sinabi ng Singapore na dumaan sa kanila si Garci pero nang sumulpot na siya uli, sinabi niyang di siya umalis ng Pilipinas. May nagnakaw rin sa mga ebidensyang hawak ng oposisyon (mga kopya ng election returns at certificate of canvass na di tugma sa binilang ng Kongreso).
I) E ano ngayon kung PEKE siya?
Gago! Peke nga e. Hindi siya dapat umupong presidente dahil di naman siya nanalo. Peke ang panalo niya dahil dinaya lang. Halimbawa sa isang klase, si Juan ang nahalal na class president, papayag ka ba na si Maria ang iupong class president ng guro? Siyempre hindi di ba? Lalo naman siguro kung pagkapangulo na ng isang bansa ang pinag-uuspan. Di pwedeng maupong presidente ng Pilipinas si Gloria dahil di naman siya nanalo, ‘yun na ‘yun!
J) Ok lang na nandaya ang matalinong ekonomistang si GMA dahil lesser evil siya kaysa sa “bobong artistang” si FPJ
Walang lesser evil sa eleksyon. Granted for the sake of argument na lesser evil nga si GMA kumpara kay FPJ, mali at iligal pa rin ang dayain ang resulta ng eleksyon para lamang manalo ang inaakalang lesser evil. Sa panahong nagpasya si GMA at ang kanyang mga tagasuporta na mandaya para siya ang manalo dahil siya raw ang lesser evil, ay lalong naging malinaw na si Gloria ang greater evil sa halip na lesser. Hindi ba’t ang pandaraya ay isang napakalaking krimen? Anuman ang dahilan o justification para mandaya, pandaraya pa rin ang pandaraya. Iligal, imoral at labag ito sa batas ng Diyos at batas ng tao. Imoral at gago ang mga taong tumatanggap sa katotohanang nandaya si GMA at naniniwalang ok lang ‘yun dahil siya naman ang lesser evil. Niloloko lang nila ang sarili nila. Pa’no naging lesser evil ang isang mandaraya? The end doesn’t justify the means. Isa pa, sa pitong taong pag-upo ni Gloria sa pwestong ninakaw niya, nakita nating lahat kung paanong naging si FPJ ang lesser evil sa realidad kumpara kay Gloria (Basahin ang Bahagi L).
Pinakamahalaga, dapat bigyang-diin na sa isang demokratikong bansa, ang tinig ng taumbayan ang dapat masunod gaano man ito kaestupido kung minsan. Walang dapat magreklamo kung sino man ang ihalal ng taumbayan: si Hudas, Pilato, Satanas o Hesus man, hindi na mahalaga ‘yun. Dapat respetuhin ng lahat ang desisyon ng masa. E ano kung ang “bobong artistang” si FPJ ang nanalo? Anong masama roon? Ang tamang proseso, dapat pinabayaang manungkulan si FPJ at ‘pag pumalpak o naging korap saka patalsikin. Isa pa, debatable ang pagiging “bobo” raw ni FPJ. Malaking kasinungalingan lang ‘yan ng kampo ni GMA. Paniniram-puri at malaking insulto. Halimbawa, anti-globalization si FPJ at alam din niya ang Nuremberg Trial (na baka nga di mo alam at marahil ay di rin alam ni Gloria! Sino ngayon ang bobo?). Pero ibang istorya na ‘yun. Sapat nang sabihing mali ang pandaraya kaya’t simula pa lang ng pag-upo ni Gloria ay mali na. Anong ginagawa sa mali? Tinatama. Para maitama ang pandaraya, dapat alisin sa pwesto at parusahan ang mandaraya.
K) E ano naman kung mandaraya si GMA, pare-pareho lang naman lahat ng pulitiko
Gago! Debatable na naman ‘yan. Sa realidad, may mga pulitiko ring HINDI MANDARAYA gaya nina Sen. Nene Pimentel at Antonio Trillanes. Parehong di mapera ang dalawang ‘yan kaya di mananalo kung dayaan ang pag-uusapan. Sa kaso ni Sen. Pimentel, siya pa nga ang nadaya nung unang pagtakbo niya. Samantala, walang magdududa sa panalo ni Trillanes dahil ni hindi nga siya nakapangampanya. Walang pera kaya di kayang mandaya. Ang mga campaign volunteer niya kanya-kanyang gastos. Taumbayan lang talaga ang nagpanalo sa kanya.
Nandyan din ang mga party-list gaya ng Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis, Sanlakas, Partido ng Manggagawa at Akbayan. Lagi silang ginigipit ng gobyerno at sinisiraan na “komunista” raw. Pinapatay o tinatakot ang mga miyembro nila. Mayorya sa mga tagasuporta nila ay mahihirap (magsasaka, manggagawa, urban poor atbp.) kaya wala silang pera para gamitin sa pandaraya, pero dahil may platapormang makamasa ay nananalo pa rin.
Sa halalang lokal, kilalang-kilala na natin sina Gob. Among “Ed” Panlilio ng Pampanga at Gob. Grace Padaca ng Isabela. Parehong walang pera ‘yan: isang pari at isang komentaristang pilay pero nanalo dahil sa suporta ng taumbayan.
Ilan lamang ang mga ito sa mga halimbawang magpapatunay na HINDI LAHAT NG PULITIKO AY MANDARAYA na kagaya ni Gloria.
Pero IPAGPALAGAY man natin na ang lahat ng mga pulitiko ay mandaraya, hindi ito dapat magbunsod para pabayaan na lang natin si Gloria. Kung lahat sila mandaraya, e di ikulong lahat! Pero dahil si Gloria ang nasa pinakamataas na posisyon, siya ang dapat unahin, bago ang iba pa. Hindi pwedeng sabihin na patawarin at pabayaan na lang si Gloria na mandaya dahil lahat naman ay nandadaya. Para na rin nating sinabi na dahil maraming taong nanggagahasa at nagnanakaw ay manggahasa at magnakaw na lang din tayo. Ang tamang gawin, hulihin at parusahan ang mga nanggagahasa at magnanakaw pagkatapos ng pag-uusig sa hukuman.
L) E ano ngayon kung nandaya si GMA, dapat nga matuwa tayo dahil napaunlad niya ang ekonomya ng Pilipinas
Gago ka uli! Hindi totoong umunlad ang ekonomya ng Pilipinas dahil kay Gloria. Ang totoo, umunlad ito inspite of her! Sa mismong datos ng gobyerno, dumami ang bilang ng mahihirap sa ilalim ni Gloria (30 milyon na ngayon; bagamat alam nating lahat na lagpas pa riyan ang tunay na bilang). Kung umunlad ang ekonomya bakit ang daming pulubi kahit saan: at hindi lang pulubi, mga pulubing gusgusin, walang makain at walang matirhan. Mga Pilipinong nakatira sa lansangan. Mga batang naghahalukay ng basura para kumain ng tira-tira. Mga prostitute kahit umaga pa lang. Mga Pilipinong nagbebenta ng ngipin at bato (kidney o shabu, take your pick). Bakit dumarami ang holdaper, kidnaper at isnatser? Kung umunlad ang ekonomya, dapat nabawasan kundi man nawala na ang mga ganyan sa lipunan. Pero sa halip, parami sila nang parami at patindi nang patindi ang problema. Ngayon, kung maniniwala ka pa ring umunlad ang Pilipinas, PUTANG INA MO! Tingnan mo ang paligid mo. Kung sa isang eksklusibong village ka nakatira at ang tangi mong libangan ay magpunta sa Boracay, pumunta ka sa Quiapo (kung saan umaasa lang sa rasyong isang tasang lugaw ang daan-daang pulubi) at sa iba pang lugar na maraming Pilipino. Roon mo makikita kung gaano karami ang mahihirap at kung gaano katindi ang kanilang paghihikahos. Saka mo sabihing umunlad nga ang Pilipinas.
Sa isyu naman ng peso-dollar rate, normal lang na lumakas ang piso dahil sa dami ng dolyar na pinapadala ng mga OFW. Ang napakalaking bilang ng OFW ay isa pang ebidensya ng kawalan ng pag-unlad ng ekonomya ng Pilipinas. Kung totoong umunlad ang ekonomya ng Pilipinas, dapat umunti kundi man wala nang Pilipino ang mangibang-bansa para magtrabaho. Kung maunlad ang Pilipinas, wala nang nag-aabroad!
IPAGPALAGAY mang umunlad ang Pilipinas sa ilalim ni Gloria, hindi pa rin tama na manatili siya sa pwesto. The fact remains that she cheated. Gaya nang nabanggit na, MALI AT ILIGAL ANG MANDAYA. HINDI PWEDENG MAUPO SA PWESTO ANG ISANG MANDARAYA.
M) Ano pa ang mga dahilan bakit dapat patalsikin si Gloria?
Gago! Hindi na kailangang itanong ‘yan. Dahil nandaya siya, di siya dapat maupo. Pekeng pangulo lang siya e. Ang peke, tinatapon at pinapalitan ng totoo, ng tunay. Pero dahil makulit at gago ka nga at ang mga gaya mo, sasagutin ko na rin ang estupidong tanong na ‘yan. Napakarami pang dahilan kung bakit dapat patalsikin si Gloria, bukod sa pagiging mandaraya niya. Iisa-isahin ko ang ilan dahil kung lahat, di tayo matatapos.
Korap/Tiwali si Gloria at ang kanyang administrasyon
Kailangan ko pa bang idetalye ito? Naipaliwanag na kanina ‘yung Fertilizer Scam (balikan ang Bahagi D). Nandyan din ang maanomalyang Diosdado Macapagal Boulevard na tinaguriang “world’s most expensive road” sa halagang P1 bilyon kada kilometro. Sa isyu ng NBN-ZTE, inamin ni Gloria mismo na maanomalya ang kontrata pero inaprubahan pa rin niya. Ipagpalagay mang wala siyang nakuhang komisyon, naging kasabwat na siya sa krimen dahil hindi niya ito pinaimbestigahan at pinatigil kahit alam niyang may anomalya. Noong pumutok na sa media ang isyu ay saka lang niya ito pinahinto. Marami pang iba pero di ko na idedetalye dahil dito pa lang sa dalawang ito’y wala nang lusot si Gloria. Kapag korap ang gobyerno, lalong natatakot ang mga mamumuhunan na mamuhunan sa Pilipinas dahil alam nilang matakaw sa pera at suhol ang ganoong pamahalaan. Kaya kung meron mang dahilan kung bakit ayaw mag-invest dito ng mga negosyante ay di mga rali, welga, piket atbp. kundi ang garapal na korapsyon ng gobyerno.
Mamamatay-tao at lumalabag sa karapatang pantao ang administrasyon ni Gloria
Mula noong maupo siya noong 2001, mahigit 900 aktibistang Pilipino na ang pinatay ng mga di kilalang assassin (bukod pa sa humigit-kumulang 200 dinukot). Halos lahat ng mga pinatay ay mga kasapi kundi man sympathizer ng mga organisasyong kasama sa Kilusang Talsik-Gloria ngayon. Mismong si United Nations Special Rapporteur Philip Alston ang nagsabing kagagawan ng gobyerno ang mga ekstra-hudisyal na pagpatay ng mga aktibista. Bilang isang bansang demokratiko at Kristyano, karumal-dumal para sa atin na magkaroon ng ganitong klase ng gobyerno ng mga mamamatay-tao.
Pahirap sa bayan ang pamahalaan ni Gloria
Halos lahat ng patakaran ni Gloria ay dagdag-pabigat sa mga mamamayan. Halimbawa, itinaas niya sa 12% ang value-added tax at dinamihan ang produktong saklaw nito. Dahil dito, tumaas ang presyo ng mga bilihin kaya lalong di na makabili ng mga pangunahing pangangailangan ang taumbayan. Singil nang singil ng buwis pero ang liit-liit ng badyet para sa mga serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon, pabahay at kalusugan. Ang gobyerno ay nilikha para paglingkuran ang taumbayan kaya kung hindi na ito naglilingkod sa bayan, dapat lamang na ito’y palitan na, lalo pa nga kung nandaya lamang ito para makuha ang kapangyarihan.
Maka-dayuhan ang gobyerno ni Gloria
Dikta lamang ng dayuhan ang sinusunod niya lalo na pagdating sa mga usaping pang-ekonomya. Halimbawa, sa halip na tulungan ang mga magsasakang Pilipino para paunlarin ang agrikultura sa Pilipinas, naglalaan ito ng bilyun-bilyong piso para mag-import ng bigas at iba pang produkto na kayang likhain ng ating mga kababayan. Niliitan din kundi man tuluyang inalis na ng kanyang administrasyon ang mga buwis sa imported na produkto. Bunsod nito, malayang nakapapasok sa Pilipinas ang mga produktong imported na tumatalo sa mga produktong sariling atin.
Sa pagmimina, kahit labag sa Konstitusyon ay pinayagan niyang magmina ang mga dayuhang korporasyon sa napakaraming lugar sa Pilipinas. Dahil dito, mabilis na nasisira ang ating kapaligiran at kalikasan habang nagpapasasa sa limpak-limpak na tubo ang mga dayuhan. Sa halip na gamitin ang pagmimina para paunlarin ang bayan, ipinauubaya ito ni Gloria sa mga dayuhan. Ganyang kamahal ni Gloria ang mga dayuhan taliwas sa masamang trato niya sa kanyang mga kababayang naghihikahos.
Diktador si Gloria katulad nina Pol Pot; Marcos; George Bush, Jr.; Hitler; Idi Amin; Saddam Hussein; Vladimir Putin, Fulgencio Battista, Somoza, Franco atbp.
Mula nang dayain niya ang eleksyon noong 2004, wala nang inatupag si Gloria kundi makapanatili sa kapangyarihan sa anumang paraan. Para takutin ang mga mamamayang lumalaban sa kanyang pekeng pagkapangulo, ginamitan niya ng dahas ang mga mapapayapang kilos-protesta. Bombang tubig, barbed wire at tear gas ang ipinantapat niya sa mga mamamayang nagpapahayag ng kanilang mga hinaing. Mahigit 900 aktibista na rin ang pinatay at halos 200 na ang dinukot mula nang siya’y maupo. Marami-rami ring anti-Gloria ang kinidnap at tinortyur para patahimikin sila gaya ng nangyari sa 5 lider ng mga grupong maka-Erap. Sa mga probinsya, isa-isang ipinapatawag ang mga kilalang anti-Gloria at pinapatigil sila sa pagtuligsa sa korapsyon at iba pang pang-aabuso ng gobyerno ni Arroyo.
Pinagbabawalan ang taumbayan na magrali sa Mendiola, Edsa at marami pang lugar. Tinitiktikan ang mga lugar na madalas pagpulungan ng oposisyon o ng mga kilalang kritiko ng gobyerno. Pati mga eskwelahang anti-korapsyon gaya ng De La Salle at St. Scholastica ay ineespiyahan na sa pamamagitan ng surveillance camera. Maging ang Senado ay di nakaligtas sa ganitong kalapastanganan. Tinitiktikan din sa pamamagitan ng wiretapping ang mga lider ng oposisyon gaya nina Cory Aquino. Lumilikha ng mga pekeng kaso laban sa mga lider ng mga maka-Kaliwang grupo gaya ng Bayan Muna, Anakpawis, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas atbp., na ilan sa pinakamasusugid na grupong anti-korapsyon at kung gayo’y anti-Gloria. Sa ganitong paraan ay pinipilay ng gobyerno ang oposisyon upang wala nang malakas na organisadong pwersa ang makakontra sa kanyang kagustuhang maghari habambuhay.
Sinubukan na niya at mukhang susubukang muli ang paggamit ng niratsadang Charter Change/Cha-Cha o pagbabago sa Konstitusyon upang alisin ang pagkakaroon ng limitasyon sa bilang termino ng mga opisyal na hinahalal at kung gayo’y para makapaghari siya habambuhay.
Kung hindi diktadura ang tawag sa ganito, hindi ko na alam kung ano pa ang ibig sabihin ng diktadura. Wala nang demokrasya sa Pilipinas. Mistulang mga isda na lamang ang mga Pilipino na natatakot magbuka ng bibig sapagkat siguradong sila’y mahuhuli pag nagkataon. Walang kalayaan sa pamamahayag. Walang kalayaan sa pagsasalita. Walang kalayaan sa paglalahad ng mga hinaing. Walang kalayaang magprotesta. May diktadura nang nakasakal sa ating mga leeg. Bilang isang demokratikong bansa, wala tayong mapamimilian kundi ang patalsikin ang diktadurang ito. Kung hindi natin ito gagawin, tuluyan nang maglalaho ang demokrasyang pinuhunanan ng dugo ng mga Katipunero noong 1896 at ng ating mga ama’t ina noong 1986.
N) Ayoko pa ring patalsikin si Gloria dahil lalong magkakagulo ‘pag pinatalsik siya.
Gago! Ano pang tawag mo sa nangyayari sa Pilipinas? Hindi pa ba magulo ‘yan: 900+ aktibista ang pinatay, pinoposasan ang mga media man na gumagawa ng kanilang trabaho, binobomba ng tubig ang mga nagrarali kahit mga pari, tinatakot ng militar ang mga kritiko ng gobyerno, pinapalobo ng mga opisyal ng gobyerno ang halaga ng mga kontrata para makakuha ng komisyon, MANDARAYA at PEKENG PANGULO ANG NAKAUPO SA PWESTO! Maayos ba ‘yan? Hindi! Walang kaayusan sa ilalim ni Gloria: magulo at walang direksyon. Para mailagay sa ayos ang lahat, kailangan MUNA siyang paalisin dahil siya ang pinakamalaking ugat ng mga kaguluhan sa Pilipinas. Kaya nating pigilan ang mga kaguluhan sa hinaharap kung magsasama-sama pa rin tayo sa pagkilos kahit pagkatapos na mapatalsik si Gloria.
O) Ayoko pa ring patalsikin si Gloria dahil si Noli de Castro ang papalit.
Bobo! Ano ngayon kung si Noli de Castro ang papalit e iyan ang nasa Konstitusyon? Ano ngayon kung di gaanong magaling si Noli, e iyan ang nasa Konstitusyon. Dapat ikulong ang mga hindi susunod sa Konstitusyon! Isa pa, paano kayo nakasiguro na bobo at walang kwentang pangulo si Noli e di pa naman natin siya nasusubukan di gaya ni Gloria na mandaraya na nga ay napatunayan nang palpak? Bakit mas gusto mo pang magtiis sa isang napatunayan nang palpak gaya ni Gloria? Pwede namang maging magaling na pangulo si Noli kung aalalayan ng taumbayan at ng mga makabayang tagapayo di ba? Bago kayo magsalita laban kay de Castro, subukan n’yo muna siya dahil iyon naman talaga ang nasa Konstitusyon. Kung mapapatunayang hindi si Noli ang nanalong bise-presidente noong 2004, ang tunay na nanalong bise-presidente ang dapat maupo dahil patay na nga si FPJ. Pero for the mean time, kailangang tanggapin natin si Noli dahil iyan ang nasa Konstitusyon.
P) Paano kung pumalpak si Noli?
E di i-impeach! Nasa Konstitusyon naman ‘yun e. Kung gagawin ni Noli ang ginagawa ni Gloria na panunuhol sa mga kongresista para maibasura ang impeachment, wala tayong ibang mapamimilian kundi mag-People Power uli. Saka, dapat bigyang-diin na hindi pa nga nasusubukan si Noli. Pa’no kung maging ok s’ya? Bakit nating iisiping papalpak siya kung simula pa lang ay tutulungan na natin siyang di pumalpak. Saka kaya nga dapat maging mapagmatyag na ngayon ang taumbayan. Doon tayo nagkamali noong People Power I at II: pagkatapos na mapatalsik ang diktador at ang mandarambong, pinabayaan na natin ang sumunod na mga presidente. Hindi na tayo aktibong nakilahok sa pagrereporma ng sistema. Ayun, pumalpak tuloy ang mga pumalit. Hindi people power ang mali kundi ang ginawa natin pagkatapos ng people power na tumunganga na lang tayo. Sa demokrasya, dapat laging may people power, dahil ito ay gobyerno ng mga tao at para sa mga tao. Kung walang pakialam ang tao, papalpak nga ang mga opisyal ng gobyerno. Para hindi pumalpak si Noli, bantayan natin at tulungan.
Q) Bakit sa halip na impeachment ay People Power na ang dapat para patalsikin si Gloria?
Gaya nang nabanggit na, sinabotahe ni Gloria ang impeachment sa pamamagitan ng panunuhol sa mga kongresista. Ang halos buong Kongreso ay kontrolado ng mga ka-alyado niya. Kaya di dapat asahang makakalusot dito ang impeachment laban kay Gloria. Dahil sinabotahe niya ang impeachment, obligado na tayong gamitin ang People Power.
R) Konstitusyunal at legal ba ang People Power?
OO NAMAN! Unang-una, kaya nabuo ang kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas ay dahil sa People Power. Nasa Konstitusyon ang mga katagang ito na nangangahulugan ng People Power: “Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them.” Sa maraming resolusyon ng Korte Suprema ay kinilala rin nito ang superyoridad at legalidad ng People Power. Dahil sa taumbayan nagmumula ang kapangyarihan ng pamahalaan, pwede itong bawiin ng mamamayan anumang oras. Sa kaso ni Gloria, ni hindi nga niya tinamasa ang kapangyarihang mula sa bayan! Nandaya lang siya para manalo kaya wastong-wastong patalsikin siya ng taumbayan dahil isa siyang impostora!
S) Hindi na magtatagumpay ang People Power, sawa na ang tao.
Gago! Ikaw lang at ang mga gaya mong ignorante at maka-korapsyon ang sawa na sa People Power. Siguradong muling magsasawa ang taumbayan sa People Power dahil napatunayan na itong epektibo sa mga nakaraang panahon. Sa simula, talagang libu-libo lang ang sumasama sa mga kilos-protesta. Sa ganito rin nagsimula ang People Power I at II. Unti-unti, namumulat ang parami nang parami sa mga tao kaya sumasama na rin sila sa paghingi ng pagbabago. Nagsisimula na ang People Power kahit inaakala nating wala pa ito. Bibilis ang tagumpay nito kung titigil na sa pagtatanong at magsisimula na sa pakikilahok ang mga kagaya mo. Talagang hindi dadami ang tao sa Edsa o kahit saan pa kung hindi kayo sasama. Hindi pwedeng kami o sila lang. Dapat kasama ka o kayo at tayong lahat. Sabi nga, kayang-kaya kung sama-sama.
At kung hindi man nga ito magtagumpay sa pagpapatalsik kay Gloria, e ano ngayon. At least, sinubukan nating mapatalsik ang isang peke at korap na pangulo. Nasusukat ang tagumpay hindi lamang sa aktwal na nakamtan kundi sa kawastuhan ng nais makamtan. Tama lang na patalsikin ang peke at korap na pangulo dahil masama ang pandaraya at korapsyon. At dahil People Power na lang ang natitirang opsyon, wasto lamang na subukan natin ito. Kung hindi man magtagumpay, walang kaso ‘yun. Ang mahalaga, ginawa natin ang tama.
T) Paano magtatagumpay ang People Power?
Kailangang milyun-milyon ang pumunta sa lansangan para igiit ang panawagang umalis na sa pwesto si Gloria. Kapag milyun-milyon na ang nasa lansangan, hindi na ito mapipigilan ng paggamit ng dahas ni Gloria at ng mga pulis at sundalong matapat pa sa kanya. At, sa panahong iyon, siguradong babaligtad na ang mayorya ng mga militar at pulis: mag-wiwithdraw na sila ng suporta kay Gloria at susuportahan nila ang People Power gaya noong 1986 at 2001. Dahil dito, lalong mapipilitang bumaba sa pwesto si Gloria dahil wala nang susunod sa mga utos niya. Sabi nga, walang makapaghahari kung walang papayag na maging alipin at tagasunod. Pero, kailangan ng milyun-milyong tao para magawa ‘yun.
U) Bakit hindi n’yo na lang patapusin ng termino si Gloria tutal 2 taon na lang naman e?
Maliwanag na kanina pa na iligal ang pag-upo ni Gloria dahil di naman siya nanalo. Tungkulin natin sa batas ng Diyos at batas ng tao na labanan ang anumang kasamaan at pandaraya kaya ‘pag alam nating nandaya o nanloko ang isang opisyal ng gobyerno, di pwedeng sabihing pabayaan na lang. Kasalanan ‘yun. Para mo na ring sinabi na ‘pag nakidnap ang anak mo, na-rape ka o napatay ang magulang mo, pabayaan na lang. Pwede ba ‘yun? Siyempre hindi. Sa mga simpleng kaso lang ‘yun kaya pa’no pa kaya kung kasinglala ng ginawang pandaraya ni Gloria, kukunsintihin lang ba natin ‘yun. Gago lang ang magsasabing pabayaan na lang s’ya.
V) Walang nang dayuhang mag-iinvest sa Pilipinas pag nagka-People Power uli.
Kasinungalingan. Ngayon nga wala nang gustong mag-invest dahil sa korapsyon. Mas dadami ang mag-iinvest ‘pag nawala ang korapsyon at mangyayari lang ito ‘pag napatalsik ang pinakakorap na pangulo. Matutuwa ang mga investor sa People Power dahil isa ito sa mga paraan para mawala ang korapsyon na bumibiktima sa kanila.
W) Paano tayo makakasiguro na magkakaroon ng mga positibong pagbabago pag napatalsik si Gloria?
Hindi tayo titigil sa pagbabantay at pagkilos. Tuloy ang mga rali, petisyon atbp. para igiit ang mga repormang nais makamit ng mga mamamayan. Ito ang bagay na hindi nagawa noong People Power I at II kaya pumalpak ang mga naupo noon. Ngayon, dapat tayong magsumikap na ‘wag nang maulit ang pagpapabaya natin pagkatapos ng People Power. Maaari ring sundin ang mungkahi ng maraming grupong anti-Gloria na magtayo ng isang konseho ng mga mamamayan na binubuo ng mga kinatawan ng mga grupong nagpatalsik kay Gloria. Ang konsehong ito ang magsisilbing tagapayo ng mga magiging presidente para maiwasan na ang mga problemang naranasan natin sa ilalim ni Gloria.
X) Paano kung mapatalsik natin si Gloria at lalong sumama ang kalagayan ng Pilipinas?
Hindi mangyayari ‘yan dahil babantayan at gagabayan na nga natin ‘yung susunod na mauupo. At sakaling mangyari nga na lalong sumama ang lagay ng Pilipinas, nangangahulugan lang ‘yun na di natin gaanong binantayan at ginabayan ang pumalit na pinuno kaya pumalpak. Isa pa, e ano ngayon? Ang mahalaga, nagawa natin ang tama: patalsikin ang peke at korap na pangulo. Kung masama man ang maging resulta (pero IMPOSIBLE YAN), e di saka na natin problemahin at i-troubleshoot ang problema. Wika nga, one problem at a time.
Y) Sino ang ipapalit kay Gloria pag napatalsik siya?
Kung Konstitusyon ang masusunod, si Noli o si Loren Legarda (depende sa kung sino talaga ang nanalong vice-president noong 2004). Pero para di magloko, dapat itayo ang konseho ng mga mamamayan na magbabantay sa kanila (tingnan ang Bahagi W)
Z) Paano kung ayaw ng taumbayan kay Noli?
Dalawa ang pwedeng gawin. Una, igiit ng tao na si Loren ang nanalong vice-president noong 2004 kaya siya ang dapat maupo.
Pangalawa, pwedeng magpatawag ng panibagong eleksyon.
AA) Kung sakaling magkakaeleksyon para sa presidente pagkapatalsik ni Gloria, sino ang mamumuno sa Pilipinas pansamantala bago magkaeleksyon?
Pinakamainam na magtayo ng isang transition council o pansamantalang konseho na magsisilbing pinuno ng executive branch. (Ito rin ‘yung binanggit kong “konseho ng mga mamamayan” sa Bahagi W) Ito ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa mga grupong nagpatalsik sa peke at korap na pangulo. Kailangang gawin ito para masiguradong malinis ang magiging eleksyon. Kung pababayaan lang kasi ang status quo pagkapatalsik ni Gloria, malamang na maulit ang nangyaring dayaan noong 2004, kaya para mahadlangan ito, taumbayan na ang direktang maglilinis sa sistema, sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan. Sa ibang termino, ang transition council ay ‘yung tinatawag na junta, pero dapat linawing sa bersyong pinaplano ng mga grupong anti-Arroyo, di pwedeng sumali sa transition council ang mga opisyal ng pulis at militar: puro sibilyan lang dapat.
BB) Ligal at konstitusyunal ba ang transition council?
OO. Gaya ng nabanggit na, ang People Power ay ligal at konstitusyunal. At dahil ang pagtatayo ng transition council ay bahagi ng People Power, ligal at konstitusyunal din ito. Kung tutuusin, mas mataas pa nga sa Konstitusyon ang People Power kaya anuman ang kahinatnan nito basta’t para sa kapakanan ng bayan ay ligal at konstitusyunal, dahil kaya naman may mga batas at konstitusyon ay para rin sa kapakanan ng taumbayan. Sabi nga ng mga Romano: Salus populi est suprema lex. (Kapakanan ng taumbayan ang pinakamataas na batas)
CC) Gaano katagal ang dapat itagal ng transition council?
Mula 6 na buwan hanggang 1 taon lang ang pinakamainam. Sapat na ‘yon para makapagsagawa ng mga reporma sa eleksyon. Maaari rin namang panatilihin na ang council bilang isang permanenteng advisory council ng mga mahahalal na presidente, para masiguradong di tatalikod sa mga adhikain ng People Power ang mga pinuno.
DD) Ano ang mangyayari kapag di napatalsik si Gloria bago mag-2010?
Alin lang sa dalawang bagay ang SIGURADONG mangyayari: una, HINDI NA BABABA sa pwesto SI GLORIA; ikalawa, DADAYAIN ng kampo ni Macapagal-Arroyo ang eleksyon sa 2010 para ang maupo ay kaalyado niya.
Ibig sabihin, lalong titibay ang kapangyarihan ni Gloria ‘pag pinabayaan natin siyang magtagal pa sa pwesto. Habambuhay na siyang magkakaroon ng kapangyarihan kahit sa INDIREKTANG PARAAN (‘yung second scenario). Ang tsansa nating patalsikin at parusahan siya ay bago ang 2010. Kailangang maikulong na siya bago mag-2010 para hindi na niya mapakialaman ang eleksyon. Kapag namanipula nila ang eleksyon, kakampi niya ang mananalo at kung gayon, HINDI NA NATIN MAPAPARUSAHAN SI GLORIA. Kaya kailangang patalsikin na natin siya ngayon na, ngayon!